Thursday, August 03, 2006

Update.

Eto na po ang update ko. Di pa naman inaamag tong blog eh, medyo maalikabok pa lang. Teka kuha lang ako ng feather duster. *dusting off* Yan, ok na ulit.

Last Wednesday, lumuwas ako kasi sinamahan ko si Dadda sa Greenhills para bumili ng sneakers. Kasama ko rin pala si Dihya tapos ni-meet namin si Dadda sa Taft station ng MRT. Weee! Commuters. Magkaiba kasi lakad namin pero since pareho kaming luluwas, nagsabay na kami ni Dihya. May pinagawa kasi sa kanya si Papa.

Ayun, kasama ko si Dadda sa office ni Papa. Second time pa lang nila na magmimeet. Honestly, di pa rin ganun ka okay na si Dadda na ang bf ko. It makes me sad pero alam ko na darating rin yung time na maging ok na lahat, at matatanggap na ang mga dapat tanggapin. Naiintindihan ko naman na di rin ganun kadali lalo na kay Papa na nawala kami ng ex ko, lalo na medyo kampante na siya sa ex ko noon. Pero eto na eh, di na pede baguhin at di na pede balikan ang nakaraan. I love Dadda so much, and as much as I want to be a good daughter, yung tipong masusunod ko lahat ng gusto nila, di naman ata pwede yun. I have my own life. Oo, nagpapasalamat ako sa kanila dahil minahal nila ako ng sobra pero this is my life. I hope they can be happy for me, kung saan ako tunay na masaya.

Whew. Na-carried away ata ako. Haha. Ayun, ok naman nung nagkita sila uli. Shempre di ko alam kung anong tunay na na feel ni Papa pero he treated Dadda nice naman. He treated us for lunch pa nga. I think it's a good sign. Acceptance, sana dumating ka na para masaya na lahat.

Ayun, then nagpunta na kami sa GH. Ang daldal ni Dihya. Lahat ng nasakyan naming taxi, dinaldal niya yung mga driver. Haha. Pero masaya ako kasi close na si Dihya at Dadda. Kina Papa na lang talaga. At least, hindi "You and Me against the World" and storya diba.

Sunday, July 23, 2006

Struggles.

This is post is kinda personal but I won't mind you knowing that Dadda and I are facing some troubles in our relationship. Nope, no third parties [hehe]. We just don't get along sometimes. I know it's normal. Pero bat ganun no? Sometimes, I honestly feel like giving up.. for a split sec. Then matatauhan ako, like, "ano ba?" Mahal na mahal ko tong taong to. I gave up a lot of things for him. No, i'm not after those things (even persons) that i gave up for him. What I'm saying is that I really love him and I know that he feels the same way.

Arguments will always be there. And I know, kaya may ganun, para lalo naming makilala ang isa't isa and so that we would know how to adjust. That's how to think of it positively. Pano naman kung negative thinker? We're always arguing. I guess we're not meant to be. Noooo! I don't want to think if it that way. Nev-er. Haha. Puro think na ata natype ko.

Ano naman mga pinag aawayan namin? Mostly mababaw stuff. Tapos nagiging malalim (yung sama ng loob lang pero mababaw parin yung issue. lol). Usually ganun kami. And eto yung problem ko, I'm not sure minsan kung ako ba ang cause or siya. I guess it shouldn't matter. Basta dalawa kayong gusto umayos. In our case, kahit lagi kami nag-aaway, andun yung effort na parehong gusto makipag bati. Siguro masama lang yun kung yung isa wala nang pakielam. Diba?

I made this post to make ME (yeah, para sakin to haha) realize and make me think na okay lang kahit nag-aaway kami ni Dadda. It's like my own therapy. Instead of thinking about, why not just write about it. Everytime I feel weak, I'm gonna read this again to remind me that giving up is not an option, especially when there is TRUE LOVE. Both of us will and should fight for our relationship, no matter what it takes. We've made it through 10 months. I think we can make it for a longer time.. and I'm hoping... forever.

Thursday, July 20, 2006

Annoying.

...week for me that is. Ewan ko ba, maybe it's PMS. I dunno. Sorry for not posting again for days [di ka pa nasanay, hehe].

Dadda and I were supposed to watch Superman [opo, alam ko napanood na ninyong lahat], kung kelan naman kami parehong libre, tsaka naman nawala dun sa panonooran namin. Nakakatamad naman kasi kung lalayo pa kami para manood. Wala lang. Wala kami private transpo. Lamo yun. Dun lang sana sa mall na nilalakad lang. Buti na lang palabas na rin yung Pirates of the Caribbean: Dead Man's Chest kaya nakanood pa rin kami. Nga pala, di ko pa napanood yung first Pirates movie. Kaya dami kong di na gets. Pero panonoorin ko yun tapos panonoorin ko uli itong part 2. Ganda no? Well planned diba.





Monday, July 10, 2006

Oops.

Almost one week na yung last post. Muntik na amagin. Hehe.

Just watched High School Musical, haha, a while a go. At alam mo ba kung saan ko pinanood? Sa YouTube. loL. At last, napanood ko rin. Ang tagal tagal na kaya mula nung nalaman ko yung tungkol dun (talagang sinabi pa para di isipin na ngayon ko lang nalaman yung tungkol dun =P) pero di ako interesado. Now that I've seen it, okay lang. It's a "feel good" movie. I felt good. Buti na lang napanood ko, lalo na ngayon na kailangan ko ng something, or someone to uplift my mood.

Lately kasi, di ko alam kung ano nangyayari sakin. Dami kong iniisip. Kung pwede ko lang ikwento lahat dito, kaso natatakot ako baka may mga makabasa na di dapat makabasa. Mga taong involved kumbaga. Baka mapadaan pa kasi dito, mahirap na.

Kahapon, pumunta kami sa birthday ng anak ng pamangkin ko. Buti na lang, onti lang tao. Di naman ako AS (anti-social) pero mas gusto ko kasi kami kami lang ng family. Ayun, onti lang bisita nila kasi biglaan lang yung party. Biglaan pero may giant slide na inflated na ano ba tawag dun? Basta yun. Inde ako nag-slide. Kasi may lalaki sa may baba ng slide, wa-poise yun kung nagkataon. Di ako nagpapacute, ayoko lang talagang magmukha akong retard.

Sana wed na, gusto ko na makita si Dadda...

Tuesday, July 04, 2006

Hayz.

Nakakatamad tingnan yung blog ko no? Nakalimutan ko na kasi kung paano mag-ayos. Pero gusto ko siya ayusin uli, pero natatamad ako alamin kung pano. Focus na lang muna kayo sa contents ng entries ko. Yah.

Natawa ako sa comment mo Yen. Lagi na lang yun ang sinasabi mo no? Bakit kasi kailangan kong sabihin na andito na ako uli pero di naman pala magtatagal. At bakit di ako makablog eh lagi naman akong online? Kahit ako nag-iisip rin.

Back to basics, kailangan kong lagyan ng tagboard 'to. Para nga pala sa mga tamad magbasa pero gusto mag-Hi.

Tuesday pala ngayon. Wednesday bukas, magkikita nanaman kami ni Dadda. Weee!

Saturday, July 01, 2006

Semi-vacation.

Nagbakasyon ako for three days. Opo, wala ako sa shop. Weeee! Pero habang sinusulat ko to, andito na ako uli. Tapos na ang bakasyon. Pero ok lang.

Nagpunta ako sa Antipolo kasama si Rhy, actually nagpunta kami sa kanila. Matagal na rin kasi mula nung last ako nagpunta dun. Miss ko na rin yung family niya kaya natuwa ako nung nakita ko sila uli. Yun nga lang, kulang sa bonding. Para kasing ang sarap matulog. 12 hours kami natulog. Niramdam talaga ang bakasyon no?

Bago pala kami pumunta sa kanila, nanood muna kami ng sine sa Megamall. Nanood kami ng The Lakehouse. Haha. Oo, kahit palabas na yung Superman at kahit lalaki ang kasama ko, yun ang pinanood namin. Nakakatuwa si Rhy.. Dadda(err..mula ngayon Dadda na lang tatawag ko pag memention ko siya. Mas masarap sabihin kesa sa name lang) kasi gusto niya talaga panoorin yung movie instead of the manly one. And take note, nagandahan siya. Hehe. Maganda naman talaga. And I've missed the two lead actors kasi favorite ko rin yung Speed where they were first paired. Tsaka malapit na mawala sa cinemas yung LH compared to Superman na mukhang aabutin pa ng 2 months. Plus, sa IMAX ko siya gusto panoorin, pero mukhang sa dami ng manonood dun, August pa yung makukuha naming ticket.

Weekend nga pala, share ko lang to sa inyo. Si Dadda nagpakita nito sakin. Tawa ako ng tawa. See for yourselves.. Hehe. Happy weekend!


Wednesday, June 28, 2006

Eto nanaman?

So hindi pala ako totally nawala. Yehey. Hehe. Wala lang, parang feeling ko di na ko makapagsulat sa luma kong blog. Inalis ko naman yung mga contents muna kasi baka marami pang makabasa ng mga kung ano ano kong mga pinagsusulat nung masipag pa ko magsulat ng kung ano ano. Feeling ko rin lang na kung bagong blog, sisipagin ako. Di ko rin alam kung bakit.

Now, i think kailangan ko mag tune-up. Matagal tagal na rin akong nawala sa eksena ng pagba-blog. Ewan ko ba, noon, di ko alam kung san ako magsusulat, sa dami ng pwedeng pagsulatan. Una kong try sa xanga, kaso nalaman ko na mas malaya akong makakapag edit ng layout kung sa Blogger ako gagawa.

Ayun, ginawa ko yung sa blogger. Marami rin akong nakilala dahil sa blog kong ito. Isa ka na dun. Hihi.

Tapos may account rin ako sa livejournal, pero di ako nagsulat dun. Gumawa lang ako para makapagcomment sa mga naka "friends only" na blogfriends ko.

Nagkaron rin ako sa Yahoo! 360. Wala lang, naaliw lang ako kasi may pa "invite" pang chuva dahil beta pa raw. Naexcite naman ako dahil feeling ko isa ako sa mga unang makakatry nun kasi nakakuha nga ako agad ng invite.

Ok rin sana sa multiply. Parang andun na lahat, kaso wala naman akong maipost masyadong pics. Nasa akin parin yung P200 ko. At 6600 parin ang fone ko. Marami akong camera. Pero ayoko muna kunan ang sarili ko kasi mataba ako ngayon. Hehe.

So dito na lang muna ako uli. Dito muna sa Blogger. Teka ano ba tawag dito? Blogger o Blogspot? XD <--- Kung di mo alam yan, tingnan mo ng pa tagilid. Smiley yan. loL

Okay. So isa ka sa pinagsabihan ko na dumalaw dito. Wee. Lalagay ko na lang lagi yung link sa YM kung friend kita sa YM. At alalahanin mo na lang sa tuwing maiisip mo ako, na may bago akong blog. Updated palagi. Pramis. Hehehe.